NPC, nais papanagutin si Comelec Chairman Andres Bautista sa nangyaring Comeleak noong Marso 2016

National News

Nakitaan ng Criminal Liability ng National Privacy Commission si Commission on Elections Chairman Andres Bautista matapos ang kontrobersyal na “Comeleak” noong 2016 Elections.

Sa isang statement na inilabas ng NPC, nilabag ng Comelec ang Data Privacy Act of 2012.

Sa desisyon ng komisyon noong Disyembre 28, ipinunto nito ang kawalan ng pagkilala ni Bautista sa nangyaring panghahack sa database ng website ng ahensya.

Ayon sa NPC, nakakabahala ang mga sensitibong impormasyon na na-hack.

Gross negligence umano ang ginawa ni Bautista sa pagsasawalang bahala nito sa nangyaring data breach gayong siya ang pinuno ng apektadong ahensya.

Ipinag-uutos ng NPC kay Bautista ang pagtatalaga ng data protection officer at pagsasagawa ng privacy impact assessment para maayos ang naging problema.

Inirerekomenda rin ng NPC sa Department of Justice na imbestigahan ang nangyari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *