Pinoy Lakers fan na nanalo sa Aria Big Shot Jackpot Contest, ibibili ng kotse ang napanalunang pera

Sports

Ibibili ng bagong kotse ng Pinoy na Los Angeles Lakers fan ang kanyang nakuhang premyo sa Aria Big Shot Jackpot Contest.

Swerteng naipasok ni Jerald Acoba ang bola sa basket sa nangyaring contest.

Ayon kay Acoba, ibibigay niya sa kanyang ina ang bibilhing bagong kotse.

Tuwang-tuwa naman si Acoba na fan ng Lakers dahil sa swerteng kanyang nakuha.

Nasungkit ni Acoba ang ninety five thousand dollars o mahigit apat na milyon sa one big time ball shot.

Nanalo si Acoba kasabay ng pagkakapanalo ng Los Angeles sa 116-102 kontra sa Memphis Grizzlies.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *