Transmission line ng NGCP sa mga lugar na binayo ng Bagyong Nina, naayos na

National News

Naayos na ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang kanilang mga nasirang transmission line sa mga lugar na binayo ng Bagyong Nina.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio kay NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza, sinabi nito na kagabi ay naayos na nila ang huling transmission line na nasira ng bagyo.

Sinabi ni Alabanza na halos pitong daang transmission line nila ang nasira at ngayon ay naayos na.

Hindi naman matiyak ni Alabanza kung kailan maibabalik sa normal ang suplay ng kuryente sa mga ng lugar na binayo ng bagyo partikular na sa Bicol Region.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *