40 preso, balik-selda na matapos tumakas sa isang bilangguan sa North Cotabato

National News

Apatnapung preso na ang balik-selda matapos tumakas sa North Cotabato District Jail.

Ayon kay Jail Warden Superintendent Peter Bonggat, nasa kabuuang apatnapung preso na ang nakabalik sa kanilang selda

Matatandaang nitong nakaraang araw ay sinalakay ng mga ‘di pa nakikilalang lalaki ang kulungan at pinatakas ang isandaan at limampu’t walong preso.

Sa ngayon, ay pinalawig pa ang manhunt operasyon sa ilang karatig lugar at probinsya para matugis ang mga pugante.

Samantala, suspendido naman hanggang ngayong araw ang klase sa limang paaralan sa Kidapawan City upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at guro.

Pinahigpit na rin ang seguridad sa Cotabato Provincial Capitol na ilang kilometro lang ang layo sa sinalakay na bilangguan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *