Comelec Chairman Bautista, hindi nagpapaapekto sa kasong isinampa laban sa kaniya

National News

Nakatakdang maghain ng Motion for Reconsideration sa National Privacy Commission o NPC si Comelec Chairman Andres.

Ito ay matapos sampahan siya ng kaso dahil sa naganap na cyber-hacking sa website ng Comelec noong nakaraang taon.

Sinabi ni Bautista na kanilang pag-aaralang mabuti ang kanilang hakbang sakaling hindi ma-reverse ang desisyon ng NPC.

Giit ni Bautista na ginawa silang “test case” sa naturang kaso na ang pinagbasehan ay ang kahinaan ng kanilang website.

Binigyang diin ng kalihim na maging ang mga websites mula sa U.S. ay napapasok din ng mga cyberhackers.

Samantala, nilinaw naman ni Bautista na ang nangyaring data breach sa Comelec ay walang kaugnayan sa naging resulta ng eleksyon noong Mayo 2016.

Sa kabila nito, tiniyak ni Bautista na hindi maaapektuhan ang kaniyang panunungkulan bilang Comelec Chairman na magtatapos hanggang taong 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *