Mga pangunahing agenda sa ASEAN Summit, inihayag ng Malakanyang

National News

Inihayag ng Malakanyang ang mga benepisyo o pakinabang ng mga Pilipino sa hosting ng Pilipinas sa ASEAN Summit 2017.

Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, maaaring i-summarize ang mga nasabing pakinabang sa anim na agenda sa pagpupulong ng mga Asean leaders.

Una na rito ang pagiging “people oriented and people-centered” ng ASEAN kung saan gagawing prayoridad ang kalusugan at nutrisyon ng mga asean citizens, at ang social protection ng mga kababaihan at mga senior citizens.

Kasama rin sa pag-uusapan ang “regional peace stability” kung saan lahat ng ASEAN members ay magtutulungan para mapanatili ang kapayapaan at matigil ang pagkalat ng iligal na droga at terorismo.

Bahagi rin ng ASEAN meeting ang isyu sa “Maritime Security and Cooperation” kung saan tatalakayin ang territorial dispute sa West Philippine Sea.

Kabilang din sa pag-uusapan ang pagiging inclusive ng asean para sa sektor ng ekonomiya at seguridad; “resilient ASEAN” o ang pagpapalakas sa rehiyon laban sa mga kalamidad at Climate Change.

Magiging sentro ng pagpupulong ang tema ng summit na “ASEAN, a Model of Recognition, a Global Player” na ang layunin ay para maging competitive sa iba gaya ng European Union sa usapin ng kalakalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *