Showdown nina Mac Belo at Arwind Santos, inaabangan na sa sagupaan ng Beermen at Blackwater mamaya

Sports

Tuloy na tuloy na ang pinaka-aabangang paghaharap ng dating Far Eastern University Stars na sina Mac Belo at Arwind Santos sa nakatakdang laban ng San Miguel Beermen at Blackwater Elite ngayong Biyernes.

Ayon kay Santos, sa paghaharap nila ng nakababatang si Belo ay kakalimutan muna nila na sa iisang eskwelahan sila nanggaling.

Hindi rin aniya niya aatrasan ang showdown nila ni Belo at inaasahan na niya na talagang magkakasubukan sila ng kapwa manlalaro.

Sa panig naman ni Belo excited siyang makaharap ang beteranong si Santos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *