Andas ng Itim na Nazareno, nakapasok na sa loob ng simbahan ng Quiapo

National News

Dumating na ang andas ng Itim na Nazareno sa loob ng simbahan ng Quiapo.

Inabot ng higit dalawampu’t tatlong oras ang prusisyon simula ng umalis ito sa Quirino Grandstand.

Ganap na alas tres y media ng madaling araw kanina ng tuluyang makapasok sa loob ng simbahan ang andas.

Nahirapan ang mga mamamasan na maipasok sa loob ng simbahan dahil sa kapal at dami ng mga deboto na nagpupumilit umakyat sa andas.

Nagpasalamat naman ang mga pari ng Quiapo sa lahat ng mga mamamasan dahil sa matiyagang paghahatid ng poon ng Itim na Nazareno sa loob ng simbahan.

Kasabay nito, isang matandang babae ang hinimatay at binuhat papasok ng simbahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *