Higit 440 katao, sugatan sa Traslacion ng Itim na Nazareno

National News

Nasa halos isang libo tatlong daan at dalawampu’t walong katao na ang inasistehan ng Philippine Red Cross sa nagpapatuloy na Traslacion ng Itim na Nazareno.

851 dito ay nagpakuha lamang ng blood pressure o bp.

Walo naman ang dinala sa pinakamalapit na ospital dahil nakaranas ng abdominal pain, chest pain at napilayan.

Umaabot naman sa apatnaraan at apatnapung katao ang nagtamo ng minor injuries gaya ng sugat sa paa, galos at pagkahilo.

Pito naman ang naitalang major incident kabilang ang kaso ng isang buntis.

Habang dalawampu’t dalawa ang iniulat na nawawala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *