Isang inabandonang bag sa Sta. Cruz Church, bahagyang nagdulot ng tensyon

Metro News

Bahagyang nagdulot ng tensyon ang isang kulay itim na bag na inabandona ng hindi pa nakikilalang may-ari nito sa harapan ng Sta. Cruz Church sa Ronquillo Street, Maynila.

Agad na isinailalim sa x-ray ng mga tauhan ng Explosive and Ordinance Division (EOD) ng Manila Police District ang nasabing bag.

Ayon sa mga nakasaksi, may isang taong sadyang iniwan ang naturang bag.

Habang sinusuri ay hindi muna pinayagan ang mga tao na makalapit sa bahagi ng simbahan kung saan iniwan ang bag.

Nang mabuksan ng mga otoridad, natuklasang pawang mga damit lamang ang laman ng bag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *