Pang. Duterte, nakiisa sa paggunita ng poong Nazareno

National News

Nagpaabot ng pakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng poong Itim na Nazareno.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ng Pangulo na hanga siya sa matinding pananampalataya ng milyong mga devotees ng Black Nazarene kung saan puspusan ang pagpapahayag ng pasasalamat, petisyon at sakripisyo.

Inihalintulad ng Pangulo ang matinding pananampalataya at walang kapagurang taimtim na pagdarasal ng mga deboto sa kampanya ng gobyerno laban sa kawalan ng hustisya, kasinungalingan, pag-abuso sa kapangyarihan at kurapsyon.

Sinabi din ng Pangulo na lubos silang nakikibahagi sa kaibuturan ng pananampalatayang nag-uudyok sa masang Pilipino para magsakripisyo araw-araw at makahanap pa ng panahon para magbigay papuri sa Diyos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *