PNP Chief, nag-ikot sa lugar na daraanan ng Traslacion at uminit ang ulo matapos walang makitang pulis sa ilang lugar

National News

Umikot si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa kasabay ng mismong andas kung saan lulan ang poong Nazareno.

Ito ay upang personal na makita at ma-assess ang sitwasyon ng Traslacion.

Tinungo din ni Dela Rosa ang Quiapo church kung saan oras-oras na nagdaraos ng mahal na misa.

Nilibot ni Dela Rosa ang simbahan ng Quiapo church upang inspeksyunin ang seguridad na inilatag ng National Capital Region Police Office.

Pansamantalang nag-init ang ulo ng Chief PNP dahil ang ilan sa mga lugar na pinuntahan nito ay walang nakitang pulis na nagbabantay.

Tiniyak naman ni Dela Rosa na agad nilang mahuhuli ang mga indibidwal na lalabag sa patakaran dahil sa mga CCTV camera na inilagay sa daraanan ng Traslacion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *