Trust ratings ni VP Robredo, bumaba matapos ang pagbibitiw sa gabinete

National News

Bumaba ang trust ratings ni Vice President Leni Robredo sa huling bahagi ng 2016 matapos siyang magbitiw sa gabinete.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, nasa 58% ang trust rating ni Robredo – mas mababa ng 7% sa kanyang 65% trust rating noong Setyembre.

Isinagawa ang survey dalawang araw matapos ang pagre-resign ni Robredo bilang Housing Secretary dahil sa pagkakaiba nila ni Duterte.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay inilabas din ng Pulse Asia ang trust rating ni Duterte kung saan nakakuha ito ng 83% na tatlong porsyentong mas mababa sa dati nitong rating.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *