VP Robredo, itinanggi ang kanyang partisipasyon sa isyu ng “Lenileaks”

National News

Itinanggi ni Vice President Leni Robredo ang partisipasyon niya sa tinaguriang “Lenileaks”.

Ayon kay Robredo, hindi siya kabahagi ng Yahoo groups kung saan nababanggit ang pangalan niya at nanawagang magbitiw sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit, hindi naman na ikinagulat ni VP Robredo ang umano’y “Lenileaks” dahil posibleng reaksyon ito ng kanyang mga tagasuporta sa aniya’y pambibiktima sa kanya.

Itinanggi rin ni VP Robredo na nag-overnight stay siya sa bahay ng isa sa nasa likod ng “Lenileaks” na si Loida Nicolas-Lewis.

Sa kabila ng kontrobersya, nananatili aniyang nakasentro ang atensyon niya sa pagganap ng kanyang trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *