Chinese Government, hiniling na ipa-deport na ang mga illegal Chinese workers na naaresto sa bansa

National News

Hiniling ng gobyerno ng China ang mabilisang pagpapa-deport sa mahigit isanlibong undocumented Chinese Nationals na nahuling nagtatrabaho sa Clark Pampanga.

Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na mapapabilis ang pagpapadeport sa mga Chinese Workers kapag hiniling nila sa Bureau of Immigration ang Voluntary Deportation.

Ayon kay Aguirre, posibleng may kapalit na kondisyon kapag pinayagang ma-deport ang mga Chinese Nationals gaya ng pagba-blacklist sa mga ito sa bansa.

Aminado si Aguirre na hindi pa niya alam ang gagawing hakbang ng Immigration kaugnay sa hiling ng bansang China na pabalikin na sa kanilang bansa ang kanilang mga kababaya.

Magugunita na Nobyembre a-beinte kuwatro noong nakaraang taon ng arestuhin ang 1,316 na Chinese workers sa Pampanga na walang working permit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *