Isang libong SSS pension hike, aprubado na kay Pangulong Duterte; Contribution hike, nakaamba naman sa Mayo

National News

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang libong dagdag na pensyon para sa mga miyembro ng Social Security System (SSS).

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, magkaroon ng 1.5% contribution hike sa Mayo.

Ayon naman kay SSS Chairman Amado Valdez, posibleng magkaroon ng panibagong pension hike sa 2022.

Sinabi naman ni Abella na ang pagbibigay ng additional 1-thousand pesos ay subject for conditionality.

Para matiyak ang sustainability ng pondo, magkakaroon ang SSS ng legal action plan para mapatawan ng parusa ang mga employer na hindi nagre-remit ng kontribusyon ng kanilang mga miyembro.

Ani Valdez, sasampahan ng kaso ang mga lalabag sa Security Pension Law.

Inamin din ni Valdez na mahina ang collection efficency ng SSS mula sa mga miyembro nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *