Dagdag kontribusyon sa SSS, ilegal ayon sa ilang mambabatas

National News

Mariing tinututulan ni Senate Pro Tempore Franklin Drilon ang panukalang pagpapataw ng dagdag kontribusyon para sa mga miyembro ng Social Security System.

Sinabi ni Drilon na malinaw na ipinagbabawal sa Social Security Law ang anumang premium rate increase para lang magkaroon ng dagdag na benepisyo.

Ayon kay Drilon, mainam ang dagdag na pensyon ngunit obligasyon din ng mga nasa likod ng pagpapatupad nito na mapairal ng wasto ang sariling patakaran ng SSS.

Maging si Senador Bam Aquino ay tutol din sa planong pagpapataw ng dagdag na kontribusyon sa mga miyembro ng SSS.

Sana raw ay dumaan sa tamang konsultasyon sa mga miyembro ang anumang planong pagbabago ng SSS officials.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *