Rep. Tan, umapela sa Sandiganbayan

National News

Humirit si Tawi-Tawi Representative Ruby Sahali Tan sa Sandiganbayan na payagan siyang pumunta sa Rome para dumalo sa third round ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines.

Hiling ng kongresista na payagan siyang makalabas ng bansa simula Enero 17 hanggang 27.

Sinabi ni Tan, na inimbitahan siya at iba pang miyembro ng komite ni Chief Peace Negotiator Silvestre Bello na sumama sa peace talks na nakatakdang gawin sa Enero 18 hanggang 25.

Si Tan ay nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa mga patakaran sa asset disclosure.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *