Sec. Andanar: “Awkward” kung nasa tirahan ng Pangulo si Leni

National News

Inamin ni Presidential Communication Secretary Martin Andanar ang tunay na dahilan ng hindi pag-imbita kay Vice President Leni Robredo sa New Year Vin d’Honneur na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang panayam, ipinunto ng kalihim na “awkward” kung iimbitahan ng Pangulo sa kaniyang “tirahan” ang hindi naman nito kasundo.

Una nang idinahilan ng Palasyo na limitado lamang ang inimbitahan sa nasabing pagtitipon kaya hindi na inimbitahan pa ang ikalawang Pangulo.

Sa kabila nito, sinabi ni Andanar na hindi iniitsapwera ng Malakanyang si Robredo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *