Sec. Cusi, kinansela ang SCC ng nasunog na gasolinahan sa Pasig

Metro News

Kinansela ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang Standards Compliance Certificate (SCC) ng LPG Refilling Station na nasunog at sumabog sa Pasig City noong Miyerkules.

Ayon kay Sec. Cusi, hindi maaring mag-operate ang naturang LPG refilling station hangga’t hindi ito nakakakuha ng panibagong SCC.

Dalawampu’t isa (21) katao, ang sugatan sa naturang pagsabog habang ilan sa mga ito ang nanatiling kritikal ang kondisyon.

Masusi naman umanong iniimbestigahan ng DOE at ng Bureau of Fire Protection ang nangyaring insidente.

Para sa ligtas na operasyon, pinaaalalahanan ang mga LPG refilling station na sundin ang Philippine National Standards (PNS) sa mga refilling plant at ang LPG industry rules ng DOE.

Dapat din sumunod ang mga kumpanya ng LPG sa mga probisyon ng Fire Code of the Philippines at mga ordinansa ng lokal na pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *