VP Robredo, maninindigan sa kanyang “vocal critique” style

National News

Nakahanda si Vice President Leni Robredo na isugal ang kaniyang popularidad para sa kaniyang paniniwalang na salungat man sa administrasyon.

Ayon kay VP Robredo, hindi nakabatay sa popularidad kung di sa kaniyang paniniwala ang kaniyang pagiging vocal critique.

Dagdag pa ng bise, hindi dahil sa makaapekto sa kaniyang popularidad ang pagpapahayag ng saloobing taliwas sa paniniwala ni Duterte, ay hindi na niya ito dapat sabihin.

Obligasyon rin daw aniya niyang ipahayag ang kaniyang saloobin salungat man ito sa paniniwala ng Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *