BIR, pinabubuwag para palitan ng isang ahensiya

National News

Pinabubuwag ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo ang Bureau of Internal Revenue o BIR at palitan ito ng isang ahensiya.

Sa inihaing house bill 0695 ni Pangulong Arroyo, iminungkahi nito na palitan ang BIR ng National Revenue Authority o NRA na naglalayong i-professinalize ang hanay ng kawani para mapalakas ang koleksyon nito at mabuwag ang kasalukuyang sistema na ang promosyon ng mga ito ay nakabase lamang sa loyalty at seniority.

Sa ilalim ng panukala, magsisimula ang koleksyon ng buwis sa clean slate dahil malinis ito sa panghihimasok o pulitika mula sa pagbuo ng revenue rulings, audit, at assessment ng personnel management.

Ang mga kawani naman ng BIR na hindi maa-absorb sa NRA ay papayagang magretiro na lamang o umalis sa serbisyo at ang kanilang separation pay ay depende sa haba ng paglilingkod na hindi bababa sa P100,000.

Naniniwala si Arroyo na ito ang sagot sa matagal ng problema sa nawawalang tiwala ng publiko sa BIR gayundin sa kabiguan ng ahensiya na matugunan ang target na koleksyon nito ng buwis kada taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *