Death Penalty, handang ng pagtibayin ng kamara

National News

Handa na ang kamara na pagtibayin ang panukalang pagbuhay sa death penalty sa susunod na buwan.

Ito ang inihayag ni Deputy Speaker at Capiz Representative Fredinil Castro, na siyang may pangunahing may akda ng Death Penalty Bill.

Sinabi ni Castro na handa na sila para sa mahabang debate sakaling maisalang na ito sa plenaryo.

Umaasa si Castro na hindi magiging paulit-ulit ang takbo ng debate para maging malinaw ang panahon para sa botohan sa panukalang ito.

Nanawagan din ang kongresista sa media na i-cover ang bawat stage ng plenary debate para mas maunawaan ng publiko kung bakit kailangang ibalik ang parusang kamatayan at kahalagahan nito sa kampanya laban sa kriminalidad.

Inaabangan din sa debate, kung mababawasan o madaragdagan pa ang 21 krimen na itinakdang patawan ng parusang kamatayan na nakapasa sa House Justice Committee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *