Human Rights Watch, kinundena ang anti-illegal drugs campaign ng Administrasyong Duterte

National News

Mariing kinundena ng Human Rights Watch ang kampanya kontra droga ng Administrasyong Duterte.

Ayon sa grupo, tila ginawa na raw ng Pangulo ang polisiya sa pagpatay sa mga suspek pa lang sa krimen.

Giit naman ni Senador Richard Gordon, hindi naiintindihan ng grupo ang istilo ng Pangulo.

Sinabi naman ng Philippine National Police, na dinidepensahan lamang nila ang kanilang sarili at ginagawa lamang daw ng mga otoridad ang kanilang mga trabaho.

Binigyang diin ng PNP na iniimbestigahan din nila ang mga kaso ng pagpatay.

Katunayan, may 800 kaso na raw silang natapos at may 500 suspek na ang naaresto.

Samantala, sinabi naman ng Human Rights na hindi pa sila handang katigan ang konklusyon ng Human Rights Watch

Kasabay nito, nagpaalala naman ang CHR sa pulisya na sa dami ng napapatay sa mga police operation ay dapat umanong isipin ng mga pulis na mahalagang buhay ang mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *