Mga eskwelahan sa QC, pagbabawalang magpamahagi ng condom

National News

Dapat ay sa mga health center at hindi sa eskwelahan isagawa ang pamimigay ng condom.

Paliwanag ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, sa health center dapat mapunta ang mga gamit para maiwasan ang sakit gaya ng HIV/AIDS.

Habang sa paaralan naman aniya dapat mapunta ang edukasyon.

Gayunman, nililinaw ni Bautista na kabahagi pa rin ng gobyerno at ng Department of Health ang Quezon City government para mabawasan at huwag nang tumaas ang mga kaso ng HIV/AIDS sa bansa.

Noong nakaraang linggo ay ipinag-utos ng Quezon City LGU na ipagbawal ang pagbibigay ng mga condom sa mga paaralan sa kanilang lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *