P2-k dagdag pensyon sa SSS, aprubado na ng kamara

National News

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng kamara ang panukalang P2,000 dagdag pensyon para sa mga miyembro ng SSS.

Kasabay nito, inaprubahan din ng kamara ang House Bill 2158 na nagbibigay laya sa Social Security System ng hindi na dadaan sa pangulo ang desisyon sa dagdag na SSS contribution.

Ito ay matapos paboran ng 227 na kongresista ang nasabing panukala, 7 ang hindi at 1 ang nag-abstain.

Dahil sa pag-amyendang ito sa SSS charter, ang board na lamang nito ang magdedesisyon kung magtataas ng kontribusyon ng miyembro sa oras na kailanganin ito.

Gayunpaman, nangangamba ang Makabayan Bloc kabilang ang 7 tumutol na magamit ng SSS ang bagong poder na ito para magtaas na lamang ng kontribusyon ng hindi na magpapatupad ng reporma sa ahensiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *