Pagkakaaresto sa utak ng Davao Night Market Bombing, ikinatuwa ng mga kaanak at biktima

National News

Ikinatuwa ng mga kaanak at survivors ng Roxas Night Market Bombing ang pagkakaaresto at pagkakulong sa umano’y utak ng pambobomba na ikinamatay ng labing limang katao.

Kasunod ito ng pagkumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakahuli at pagkakulong sa Kuala Lumpur ng anak ni MNLF Chairman Muslimin Sema na si Datu Mohammad Abduljabbar Sema, na kabilang umano sa mga nagsagawa ng pagpapasabog.

Nahuli ang nakababatang Sema sa Kuala Lumpur International Airport ng dumating ito mula sa Bangkok.

Una nang nahuli ang 4 na suspek noong Oktubre 29, 2016 sa kanilang hideout sa Southern Philippine Development Authority Compound sa Cotabato City.

Dahil dito, umaasa ang mga kaanak ng mga biktima sa tuluyang pagkamit ng inaasam-asam na hustisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *