Pinakamababang average self-rated poverty, naitala noong 2016—SWS

National News

Nasa sampung milyong pamilya ang kinokonsidera ang kanilang sarili na mahirap sa huling bahagi ng 2016, ayon sa survey ng Social Weather Stations.

Katumbas ng nasa 10 milyong pamilya ang 44 na porsyento ng pamilya.

Mas mataas ang nasabing bilang kumpara sa 42 percent noong ikatlong quarter ng 2016.

Mas mababa rin ng 6 na puntos ang 44 percent average self-rated poverty noong 2016 kumpara noong 2015.

Ito na ang pinakamababang self-rated poverty sa loob ng isang taon simula noong 1987.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *