Sen. Drilon, hinimok ang administrasyon na maghinay-hinay sa anunsyo na maaaring magdulot ng tensyon

National News

Nanawagan si Senate President Pro-tempore Franklin Drilon sa administrasyong Duterte na maging maingat sa pagbibigay ng impormasyon na maaaring magdulot ng tensyon at pagkabahala ng publiko.

Ginawa ni Drilon ang pahayag kasunod ng pag-anunsyo ni Pangulong Duterte sa naisin nitong magdeklara ng Martial Law.

Matatandaan na sinabi ni Pang. Duterte na wala siyang pakialam sa Korte Suprema kahit tutulan pa nito ang pagdedeklara niya ng batas militar.

Ayon pa sa pangulo, gagawin niyang magdeklara ng Martial Law kung kailangan para isalba ang buhay at kapakanan ng bansa.

Kaugnay nito, ipinagtanggol din ni Drilon ang media sa alegasyon ng ilang opisyal ng Duterte administration na “misreporting” sa mga pahayag ng pangulo.

Paliwanag ni Drilon, ibinabase lamang ng mga mamamahayag ang pag-uulat sa mga binibitawang salita ni Pang. Duterte.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *