50 pasahero ng passenger vessel na nagka-aberya sa gitna ng Sibuyan Sea, nailigtas ng PCG

National News

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 50 pasahero ng passenger vessel na nagkaaberya sa gitna ng Sibuyan Sea.

Ito ay matapos makatanggap ng tawag ang PCG mula sa passenger vessel na Jia 1 na may biyaheng San Fernando, Romblon, Roxas City na nagkaroon sila ng aberya.

Ayon sa PCG, 4 na oras na nagpalutang-lutang sa dagat ang nasabing passenger vessel.

Agad namang sinaklolohan ng PCG ang passenger vessel hanggang sa makarating sa Culasi Port sa Roxas City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *