ASEAN 2017, maaaring maki-update sa opisina—Sec. Martin Andanar

National News

Tiniyak ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na maaaring makakuha sa kanilang tanggapan ang publiko ng update sa ASEAN Summit 2017.

Sinabi ni Andanar na sila ang magbibigay ng mga impormasyon kaugnay sa mga aktibidad na isinasagawa sa asean summit sa Davao City.

Hinikayat ni Andanar ang publiko na maaaring dumiretso sa PCO para sa mga mahahalagang impormasyon dahil sila na ang magsisilbing media center at mayroon silang mga kinatawan sa ASEAN events.

Maliban sa PCO, mayroon ding speaker na itinalaga ang Department of Foreign Affairs.

Binigyang diin ni Andanar ang kalahagahan ng ASEAN hosting ng bansa dahil sa benepisyo nito sa ekonomiya lalo pa at maipamalas nito ang potensyal ng Pilipinas hindi lamang sa mga miyembro ng ASEAN Countries na mayroong tinatayang 630 Million population kundi maging sa buong mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *