Bangkay ng nawawalang Korean National, isasailalim sa forensic examination

National News

Isasailalim sa forensic examination ang hinihinalang bangkay ng nawawalang Korean National na si Jee Ick Joo.

Magugunita na dinukot si Joo ng 8 kalalakihan kabilang ang isang pulis sa Angeles City, Pampanga noong Oktubre 18, ng nakaraang taon.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa isang funeral parlor sa Bagbaguin, Caloocan City.

Ayon sa NBI Task Force Against Illegal Drugs, itinuro ng isang hindi pinangalanang impormante ang bangkay.

Patuloy namang tinutugis ng NBI ang may-ari ng funeral parlor na posible umanong nakalabas na ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *