Biyahe ng mga barko sa ZAMBASULTA, kinansela dahil sa sama ng panahon

National News

Kanselado pa rin ang biyahe ng mga barko at lahat ng mga sasakyang pandagat sa Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi (ZAMBASULTA).

Ito ay dahil sa malalaking alon at malakas na hangin na nararanasan sa mga karagatan dulot ng masamang panahon.

Tiniyak naman ng Philippine Coast Guard (PCG), na hindi muna nila ibabalik ang mga biyahe upang mapigilan ang anumang insidente sa karagatan.

Pinaalalahanan din ng PCG ang mga mangingisda na gumagamit ng mga maliliit na bangka na iwasan munang maglayag habang masama pa ang panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *