Department of Finance, pananatilihin ang “VAT exemption” sa Senior Citizens at PWDs

National News

Tanggap ni Senador Sonny Angara ang naging pahayag ng Department of Finance (DOF) na panatilihin ang value-added tax o VAT exemption sa mga senior citizens at person with disabilities (PWD).

Ito ang pahayag ni Angara matapos ang ginawang pagdinig ng Senado sa plano ng administrasyong Duterte na tanggalin ang VAT exemption sa PWDs at senior citizens.

Aniya, napagtanto ng DOF na dapat lamang panatilihin ito at humanap na lamang ng alternatibong paraan para madagdagan ang koleksyon sa buwis kasunod ng planong pagbaba sa income tax.

Pero, giit ng senador na hangga’t hindi nagiging pinal ito, patuloy silang makikipag-ugnayan sa mga economic manager ng Duterte Administration para makabuo ng isang komprehensibong tax reform na patas, progresibo at hindi magiging pabigat sa ordinaryong mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *