JBC, OSG, Kamara at Senado, pinasasagot ng SC sa isang petisyon kaugnay sa komposisyon ng Judicial Bar Council

National News

Pinagkokomento ng Korte Suprema ang mga respondents sa petisyong inihain ni Representative Reynaldo Umali kaugnay sa komposisyon ng Judicial Bar Council (JBC).

Binigyan ng Supreme Court ng 10 araw para magsumite ng kanilang komento ang JBC Loan, Office of the Solicitor General, House of Representatives at Senado.

Sa inihaing petisyon ni Umali, nais nitong baliktarin ang naunang desisyon ng Korte Suprema noong 2012 na nagsasabing 1 lamang ang miyembro ng Kongreso ang siyang dapat na maupo sa Deliberasyon ng JBC.

Hiniling din ni Umali sa kataas-taasang hukuman na gawing 8 muli ang miyembro mula sa kasalukuyang 7 miyembro.

Binigyang diin ni Umali na mas mainam kapag 2 ang kinatawan ng Kongreso sa JBC at 1 mula sa Senado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *