Pang. Duterte: Walang Martial Law na magaganap

National News

Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya magdedeklara ng Martial Law.

Ito ang paliwanag ng pangulo matapos umani ng pangamba, kritisismo at negatibong reaksyon ang kaniyang Martial Law statement.

Sinabi ni Pang. Duterte na ipinahayag lamang niya kung gaano kasalimoot ang padedeklara ng Martial Law na batay sa konstitusyon ay kailangang paboran pa ng Korte Suprema at Kongreso.

Giit ng pangulo na kaya niya sinabi na kung magdedeklara man siya ng Batas Militar,  hindi na siya pupunta sa Korte Suprema o Kongreso at siya na mismo ang mag-iinterpret sa batas.

Ayon pa sa pangulo, kung magdedeklara man daw siya ng Martial Law ay hindi na siya mag-iingay.

Dagdag pa ng pangulo na hindi raw nakasaad sa Saligang Batas ang kaniyang batayan ng pagdedeklara kung di nakadepende sa pangangailangang mapreserba ang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *