Trolls at fake news sa social media, pinaiimbestigahan ni Sen. Trillanes

National News

Pinaiimbestigahan ni Senador Antonio Trillanes ang mga trolls at fake news na nagkalat sa social media.

Inihain ni Trillanes ang Senate Resolution Number 259 na hinihimok ang Senate Committee on Public Information and Mass Media na imbestigahan ang aniya’y mga mali at fabricated na balita at impormasyon maging ang mga social media trolls.

Punto ni Trillanes, naaapektuhan ng mga ito ang kredibilidad ng online journalism at nilalabag din nito ang karapatan ng publiko para sa tama at totoong balita.

Aniya, layunin ng kanyang hirit na imbestigasyon na maprotektahan ang publiko sa manipulasyon na dala ng mga pekeng balita.

Nais din ng senador na mapanagot ang mga nasa likod at mga nagpapakalat ng pekeng balita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *