“Wala pang posisyon na inaaalok ang pangulo”—Sen. Cayetano

National News

Inamin ni Senador Allan Peter Cayetano na hindi pa siya inaalok ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapabilang sa gabinete.

Sinabi ni Cayetano na nakatakda pa lang silang magpulong ng pangulo sa darating na Abril o Mayo para pag-usapan ang mababakanteng puwesto sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Matatandaan na sinabi ni Pang. Duterte na papalitan ni Cayetano si DFA Sec. Perfecto Yasay ngayong taong 2017.

Si Yasay ay nakatakdang bumalik sa Amerika para ipagpatuloy ang kaniyang prospesyon bilang visiting law professor sa isang unibersidad doon.

Ayon kay Cayetano, handa siyang tulungan ang administrasyon upang matamasa ang tunay na pagbabago.

Nakatakdang magtapos ang termino ni Cayetano bilang senador sa taong 2019.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *