Funeral owner na pinagdalhan ng bangkay ng Korean Nat’l, nakalabas ng bansa

National News

Nakalabas na ng bansa ang may-ari ng punerarya na pinagdalhan ng bangkay ng dinukot na Korean businessman.

Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, lumipad patungong Vancouver, Canada ang may-ari ng Gream Funeral Services na si Gerardo Santiago noong Enero 11.

Naghain ng leave of absence si Santiago bilang chairman ng Barangay 165, Caloocan City mula Enero 10 hanggang Pebrero 10.

Itinuturing ng mga otoridad si Santiago bilang person of interest sa kaso.

Si Jee ay dinukot ng mga armadong kalalakihan sa kanyang bahay sa Angeles City, Pampanga noong Oktubre 18, 2016.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *