Alvarez, mananahimik na sa panawagang magbitiw si PNP Chief Dela Rosa

National News

Nangako si House Speaker Pantaleon Alvarez na tatahimik na siya sa panawagang magbitiw ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa.

Ani Alvarez, sinabi niya kay Dela Rosa na ituloy lang nito ang ginagawa at sana ay maresolba agad ang problema sa hanay ng PNP.

Paliwanag ni Alvarez, kailangan din aniyang magsalita paminsan-minsan at matawagan ng pansin kahit na magkaibigan sila ni Dela Rosa.

Noong biyernes ay hinimok ni Alvarez si Dela Rosa na magbitiw na sa pwesto dahil sa tokhang for ransom.

Pero ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dela Rosa at sinabing hindi niya ito aalisin sa pwesto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *