Mikey Arroyo, bumubuti ang lagay matapos maaksidente

National News

Nag-negatibo sa anumang mas malalang sintomas si dating Congressman Mikey Arroyo na naaksidente sa Bacolor, Pampanga.

Ayon sa kanyang pamilya, mas maayos na ang kundisyon ni Arroyo kumpara nang itakbo ito sa emergency room sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

Wala pa namang inilalabas na medical bulletin ngayong araw ang ospital.

Nabangga ng isang kotse ang sinasakyang pick-up ni Arroyo na ikinasawi ng driver nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *