SPO3 Sta. Isabel, idinipensa ng asawa

National News

Handa ang misis ni SPO3 Ricky Sta. Isabel na si Jinky na harapin ang akusasyong kasabwat siya ng asawa sa kidnap-slay case sa Koreanong si Jee Ick-Joo.

Giit ng Ginang, si Superintendent Rafael Dumlao na boss ng asawa niya ang mastermind sa krimen.

Ayon kay Jinky, sinabi sa kanya ni Dumlao na matagal nang under surveillance si Jee na sangkot umano sa droga.

Kwento pa nito, patay na si Jee nang dalhin ni Dumlao sa asawa niya.

Si Dumlao raw ang nag-utos na dalhin ang bangkay ni Jee sa punerarya para ipa-cremate.

Hawak ni Jinky ang CCTV footage umano ng pakikipag-usap ng asawa kay Dumlao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *