Number 2 sa drug watchlist sa Ilocos Sur, patay sa pamamaril

Regional

Patay sa pamamaril ang tinaguriang number two sa drug watchlist ng Vigan City Police Station.

Kinilala ang napatay na biktima na si Eric Filart, 43-anyos at residente ng Barangay Cabalangegan sa siyudad ng Vigan.

Nabatid na una ng sumuko ang biktima dahil sa oplan tokhang ng PNP, subalit naging aktibo pa rin umano ito sa paggamit ng iligal na droga.

Giit naman ng asawa ng biktima na hindi na gumagamit ng iligal na droga ang kanyang mister magmula ng sumuko ito sa mga awtoridad.

Nagtamo ng apat na tama ng bala ng baril ang biktima sa likuran nito, isang tama ng bala sa mata at balikat nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *