2 sa 3 umano’y “narco-congressmen”, taga-Luzon umano

National News

Dalawa sa tatlong Kongresista na kabilang sa Narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mula sa Luzon.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, lahat ng mga Kongresista na sangkot sa Narco-list ay mga lalaki.

Una nang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ang isa ay taga-Mindanao.

Ani Fariñas, nasa proseso na sila ng pagbeberipika ng listahan bago ianunsyo ang pangalan ng mga Kongresistang sangkot.

Inilahad din ni Fariñas na kinausap niya ang isa sa tatlong Kongresista at nagulat umano ito kung paano nasama sa listahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *