Pagsibak ng Kabayan PL kay Roque, ipinauubaya sa Kamara

National News

Magpapasaklolo na sa liderato ng kamara ang Kabayan Partylist sa iringan ng dalawang nominee nito na sina Congressman Harry Roque at Ron Salo.

Sa panayam ng Dzar Sonshine Radio, sinabi ni Salo, second nominee ng Kabayan Partylist, na ipauubaya na nila sa liderato ng kamara at ng House Electoral Tribunal ang isyu.

Ito ay kung patuloy na magmamatigas si Roque na siyang first nominee ng partido.

Kahapon ay naglabas ang Kabayan Partylist ng liham na nagsasabing hindi na miyembro ng partido si Roque.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *