Papel ng US sa Mamasapano, muling pinasisilip

National News

Pinapanagot ng bagong alyansang Makabayan (Bayan) ang mga Amerikanong umano’y sangkot sa madugong engkwentro sa Mamasapano na ikinasawi ng apatnapu’t apat na miyembro ng Special Action Force.

Ani Bayan Secretary General Renato Reyes, dapat lang na maungkat na ang partisipasyon diumano ng mga Amerikano sa nasabing operasyon.

Dagdag pa ni Reyes, maliban kay dating Pnp Chief Alan Purisima, dapat ding managot si Dating Pangulong Noynoy Aquino sa nangyari.

Suportado ng grupong Bayan ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling buksan ang imbestigasyon para malaman ang naging papel ng mga Amerikano at hindi na ito maulit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *