Sen. Pacquiao, ayaw pang bumitaw bilang coach ng koponang Mahindra

Sports

Wala pang balak si Senador at World Boxing Champion Manny Pacquiao na mag-quit bilang playing coach ng koponan ng Mahindra sa PBA.

Matagal-tagal na ring hindi nakikita sa PBA court si Pacquiao dahil sa hectic schedule nito sa Senado.

Ayon kay Pacquiao, dinadalaw-dalaw naman niya ang koponan.

Hindi natuloy ang pagbabalik sa court ni Pacquiao noong linggo para sa Mahindra na tuluyan na ring na-eliminate sa Philippine Cup Tournament.

Si Pacquiao ang nag-iisang aktibong Senador-Boksingero na kasali rin sa Professional Basketball.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *