Isa sa ina ng fallen 44, sinariwa muli ang sinapit ng kamatayan ng anak

National News

Mas masahol pa sa Extrajudicial Killing kung isalarawan ni Telly Sumbilla ang pagkamatay ng kaniyang anak na si PO3 John Lloyd Sumbilla.

Si Sumbilla ay isa sa apatnapu’t apat na miyembro ng Special Action Force o SAF na nasawi sa madugong operasyon sa Mamasapano noong 2015.

Sa salaysay ng ginang, hindi lamang binaril kung di tinanggal pa ang ilang bahagi ng katawan ng kaniyang anak.

Kasama si Telly sa iba pang kaanak ng SAF 44 na sumugod sa Office of the Ombudsman para ipanawagan ang hustisya para sa mga nasawing mahal sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *