Kapatid ng dating Alkalde sa Laguna, todas

Regional

Patay sa pananambang ang kapatid ng dating mayor ng San Pablo, Laguna.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagmamaneho ang biktimang si Damaso Amante, 64 anyos, nang bigla itong paulanan ng bala ng hindi pa natutukoy na mga suspek.

Ayon sa pulisya, nasa watch list ang biktima pero hindi pa masabi kung may kinalaman sa war on drugs ang pagpatay kay Amante.

Si Amante ay nakababatang kapatid ni Dating Mayor Vicente Amante na kailan lang ay pinangalanan ng pangulo na kabilang sa kaniyang Narco-list.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *