U.S., magsisimula nang magpatayo ng mga pasilidad sa ilang mga base militar sa bansa

National News

Sisimulan na umano ng United States ang pagtatayo ng mga pasilidad sa ilang piling base militar ng Pilipinas ngayong taon.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, alinsunod ito sa Enhanced Cooperation Agreement o EDCA.

Sinabi pa ng kalihim na noong Oktubre pa ng nakaraang taon, inaprubahan ng U.S Congress ang pondo para sa mga itatayong pasilidad.

Napagkasunduan na sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Lumbia Air Base sa Cagayan De Oro, Mactan-Beniteo Ebuen Air Base sa Cebu, Antonio Bautista Air Base sa Palawan at Basa Air Base sa Pampanga magtatayo ang U.S ng pasilidad.

Dagdag pa ni Lorenzana, alam ng pangulo ang nakatakdang konstruksyon ng mga nasabing pasilidad.

Magugunitang ilang beses na nagbanta si Duterte na ipapabasura ang EDCA.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *